Panalo Ang Mga Fans ng PBA sa All-Star Game

Talaan ng Nilalaman

Marami ang natuwang fans ng PBA sa kakatapos lamang na all-star game na ginanap sa Bacolod. Sa mga nakalipas na buwan ay nakakatanggap ng negatibong kritisismo ang PBA ngunit nitong nagdaang all-star game ay nanumbalik ang saya ng mga fans dahil sa ipinakitang Magandang laro ng mga players. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Winfordbet para sa higit pang impormasyon.

Naka-score si Robert Bolick ng limang puntos sa pagtatapos ng laro na mayroong 17.8 segundo na natitira. Natapos sa table ang laro, 140-140 para sa Team Mark at Team Japeth. Na-foul si Bolick ni Calvin Oftana sa pagtira ng 4 points at pumasok ito at naipasok din ni Bolick ang free throw kaya naman nauwi sa table ang laro.

Pinangalanan si Bolick bilang co-All-Star MVP kasama si Japeth Aguilar. Ngunit para sa Team Mark, ang pakiramdam nila pakiramdam ay parang panalo na din sila, dahil sila ay tambak ng 32 puntos sa unang bahagi ng laro. Ang Team Japeth ng isang mahusay na pag-score na may sunod-sunod na apat na puntos.

Ito ang ikatlong beses na nagtapos sa tabla ang PBA All-Star Game pagkatapos ng laban ng PBA All-Stars laban sa Gilas Pilipinas noong 2013 sa Digos, at ang Mindanao All-Stars laban sa Gilas Pilipinas noong 2017 sa Cagayan De Oro. Noong 2008, na ginanap din sa Bacolod at nauwi din sa table ang laro ngunit mas pinili nilang ipagpatuloy ang laro para sa mga fans, kaya naman nanalo noon ang South All-Stars laban sa North All-Stars.

Si CJ Perez naman ay nakascore ng 39 puntos na nakatulong sa Team Mark na maipanalo ang laro. Si Barroca ay mayroong 20 puntos, habang sina Calvin Abueva at June Mar Fajardo ay mayroong 18 at 17 puntos para sa Team Mark. Sa Team Japeth naman ay nakascore sina Roger Pogoy at Marcio Lassiter ng 25 at 24 puntos.

Ang inaabangan naman na dance-off ng mga players na ginanap ago magsimula ang laro ay nauwi din sa tabla ang resulta.

Team Greats vs Team Stalwarts

Si Justin Arana naman ang gumawa para sa Team Greats at nanalo sila 142-133 laban sa Team Stalwarts sa PBA All-Star noong Sabado bago ang araw ng mismong All-Star event. Ang sentro ng Converge ay nagpanalo para sa Team Greats sa mga mahahalagang lay-up upang makagawa ng malaking lamang sa ikaapat na quarter upang makuha ang panalo.

Si Arana ay tinanghal din na RSJ (Rookies, Sophomores, Juniors) MVP matapos makascore ng 36 puntos at walong rebounds. Ito ay ang ikalawang sunod na panalo ng Team Greats matapos talunin ang Team Stalwarts, 158-138, sa Iloilo noong nakaraang All-Star. Si Arana naman ay naglaro para sa Team Stalwarts sa laro na iyon.

Si Brandon Ganuelas-Rosser naman ay naka-score ng 23 puntos kasama ang isang follow-up dunk, na may katumbas na tatlong puntos sa All-Star Game, si Jerrick Ahanmisi naman ay mayroong 21 puntos para sa Team Greats. Si Kim Aurin naman ang gumawa para sa Team Stalwarts na may 23 puntos at si JM Calma ay mayroong 22 puntos para sa Team Stalwarts.

PBA All-Star Three-Point Shootout (Guard Edition)

Calvin Oftana ang nanalo bilang bagong hari ng three-point shootout sa PBA. Pinangunahan ni Oftana ang 3-Point Shootout sa pamamagitan ng pag-score ng 25 puntos sa final round, natalo ni Oftana ang nakaraang kampeon na si Paul Lee ng Magnolia at si Chris Newsome ng Meralco.

Si Oftana ay nakascore ng 22 puntos sa eliminations upang agawin ang ikatlong at huling puwesto mula kay Kenneth Tuffin ng Phoenix bago magpakitang gilas sa final round kalaban sila Lee at Newsome. Sila Lee at Newsome naman ang nanguna sa elimination round na may 25 at 28 na puntos.

PBA All-Star Three-Point Shootout (Bigs Edition)

Pinatunayan naman ni Raymund Almazan na isa siya sa pinakamahuhusay na shooting big men sa PBA matapos siyang Manalo sa Three-Point shootout. Naka-score si Almazan ng 19 points sa final round upang Manalo sa event na ito. Ito din ang pumalit sa Slamdunk Contest dahil lahat ng participants ay injured. Tinalo ni Almazan sila Dave Marcelo, Christian David at Isaac Go sa final round. Sila Marcelo at Go ay ang mga nangunan sa elimination round para makapasok sa final round. Si Marcelo ang nakascore ng 16 points sa elimination round, 15 points naman kay David at 13 points para kay Go. Si Junmar Fajardo naman ay nakascore lamang ng 15 points.

Si JM Calma naman ang nagchampion sa Obstacle Challenge ng All-Star. Si Calma ay nagtala ng pinakamabilis na oras sa final round na may 26 segundo upang talunin sila Santi Santillan ng Rain or Shine at si James Laput ng Magnolia.

Konklusyon

Ang PBA All-Star ay isang masayang okasyon ng basketball sa Pilipinas. Ang taunang palaro na ito ay nagpapakita sa galing at husay ng mga manlalaro sa PBA. Sa bawat taon, libu-libong mga fans ang nanonood upang makita ang mga kakaibang laban ng mga PBA players. Sa pagtatapos ng PBA All-Star, hindi lamang mga players ang nanalo kundi pati na din ang mga fans na natuwa dahil isang beses sa isang taon lamang nagaganap ito. Ito ay hindi lamang isang paligsahan kundi isang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa basketball ng mga Pilipino.

Malugod din naming inirerekomenda ang iba pang nangungunang online casino sa Pilipinas na maaari mong mapagkatiwalaan katulad ng 7BET, 747LIVE, Lucky Cola at Lodi Lotto. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsimula.

Mga Madalas Itanong

Ilan sa mga mahahalagang tips para sa mga baguhan ay ang pagsusuri sa mga pahayag ng mga eksperto, pag-aaral sa mga estadistika at performance ng mga koponan o manlalaro, pagtatakda ng limitasyon sa iyong taya, at pagiging disiplinado sa iyong approach sa pagsusugal.

Oo, maraming sportsbooks at mga regulasyon ang naglalagay ng mga limitasyon sa mga taya, kung gaano karaming pera ang maaaring itaya, at iba pang aspeto ng sports betting.