Talaan ng Nilalaman
Ang blackjack ay kilala din sa tawag na 21, ito ay isa sa pinakasikat na laro ng baraha sa mga casino. Ang layunin lang ng larong ito ay talunin ang dealer sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kabuuang puntos na malapit sa 21 o 21 mismo ng hindi lalampas dito. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Winfordbet para sa higit pang impormasyon. Walang kasiguraduhan kung saan nagsimula ang blackjack pero maraming eksperto ang naniniwala na nagmula ito sa France noong 18 siglo. Ang blackjack ay kilala bilang vingt-et-un na ang ibig sabihin ay 21 at nilalaro sa mga French casinos. Ang blackjack ay kumalat sa Amerika at dito na din nag-evolve ang laro na ito at nagkaroon ng iba’t-ibang bersyon. Ang salitang blackjack ay nagmula sa batas na kung saan ang manlalaro na may ace of spades at isang jack of clubs o jack of spades ay makakakuha ng panalo.
Ang pagiging sikat ng blackjack ay umabot hanggang sa mga pelikula, aklat at iba pa na nagbibigay daan sa mga tao ng interes at pagkilala sa laro. Sa panahon ngayon, ang blackjack ay hindi lamang makikita sa loob ng mga casino kundi pati na din sa mga online casino at nag-aalok na din ng iba’t-ibang bersyon nito. Ang blackjack ay isang laro na patuloy na minamahal ng mga manlalaro dahil sa simpleng patakaran nito pero merong matinding estratehiya. Sa paglipas ng panahon, ang blackjack ay naging isa sa mga haligi sa casino at patuloy na nagiging paboritong laro ng mga manlalaro.
Alamin ang mga Patakaran sa Blackjack
Mahalaga na malaman ng manlalaro ang mga patakaran bago magsimula maglaro lalo na sa mga baguhan. Ang layunin ng blackjack ay magkaroon ng kamay na may halaga na malapit sa 21 o 21 mismo pero wag lalagpas dito. Ang mga tao tulad ng king, queen at jack at may halaga na 10, ang alas ay 1 o pwede ding 11 at ang 2-9 ay may bilang kung ano ang kanilang numero. Ang laro ay magsisimula sa pagbigay ng dealer ng dalawang baraha sa bawat manlalaro at dalawang baraha din para sa dealer. Kapag natapos na ang turn ng mga manlalaro, ang dealer ay maglalaro sa kanyang kamay. Ang patakaran ng dealer ay kadalasang sinasabi ng casino at hindi nagbabago. Ang manlalaro ay mananalo kung ang kanyang kabuuang puntos ay mas mataas kesa sa dealer ng hindi lumalagpas sa 21 o kung ang dealer ay nag-bust.
Ang panalo ay kadalasang binabayaran ng 1:1. Kung ang manlalaro ay may blackjack at ang dealer ay wala, kadalasan binabayaran ang manlalaro ng 3:2 at kapag parehong may blackjack, ito ay tabla at babalik sa manlalaro ang kanyang taya. Kung ang isang card naman ng dealer ay alas, pwedeng maglagay ng insurance bet ang manlalaro na kahati ng original niyang taya. Kung ang dealer ay may blackjack, babayaran ang insurance bet na 2:1. Kung walang blackjack ang dealer, ang insurance bet ay talo. Ang patakaran na ito ay nagiging balanse ng swerte at estratehiya sa blackjack.
Gamitin ang Basic Strategy sa Blackjack
Ang basic strategy ay nagsasabi kung kailan ka dapat mag-hit, mag-stand, mag-double down o mag-split. Ang mga strategy na ito ay base sa mga nakuha mong baraha at sa up-card ng dealer na ayun yung nag-iisang baraha na pinakita ng dealer. Ang layunin ng paggamit ng basic strategy ay para maiwasan ang house edge laban sa manlalaro. Kapag ginamit mo ng tama ang basic strategy, ang house edge ay pwedeng bumaba hanggang 0.5%. Tinutulungan ng basic strategy ang manlalaro na gumawa ng matalinong desisyon na hindi lang nakabase sa pakiramdam. Kailangan kabisaduhin o dapat magkaroon ka ng reference card na nagpapakita ng mga tamang desisyon sa lahat ng sitwasyon.
Ang paggamit ng basic strategy sa blackjack ay mahalagang kasanayan para sa mga seryosong manlalaro. Sa pagsunod sa mga ito, maaaring mapabuti ang pagkakataon na manalo at mabawasan ang house edge. Ito ay simple pero epektibong pamamaraan na dapat gamitin ng manlalaro para sa kanilang paglalaro at karanasan sa blackjack. Ang card counting ay isang advanced na estratehiya na ginagamit para subaybayan kung aling mga card na ang na-deal at aling card pa ang natitira. Sa pagsubaybay sa mga ito, pwedeng makuha mo ang idea kung kailan pabor sa iyo ang sitwasyon. Mahalaga ang pagsasanay sa card counting at kailangan ng mahusay na kasanayan para magawa ito ng epektibo.
Paggawa ng Budget sa Paglalaro
Ang pagsusugal ay pwedeng gawing libangan pero dapat magtakda lang budget na handing ipatalo para maiwasan ang mga negatibong epekto nito. Ang paggawa ng budget para sa pagsusual ay isang responsableng habang na tutulong para mapanatili ang control sa mga gastusin at maiwasan ang problema sa pera. Gumawa ng limitasyon na halaga ng pera na ipangsusugal, ang halaga na ito ay dapat na manggagaling sa disposable income o per ana hindi mo kinakailangan gastusin sa mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain, bahay at mga bayarin. Mahalaga na ang perang ilalaan sa sugal ay hindi makakaapekto sa pang-araw araw na gastusin.
Mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa pagsunod sa budget. Kung sakaling matalo ang inilaan mong pera sa pagsusugal, huminto na at huwag ng magdagdag pa. Mahirap man ito sa umpisa pero ang disiplina sa pagsunod sa iyong budget ay magdudulot ng pangmatagalang benepisyo. Kailangan din na maging handa sa pagkatalo, ang pagsusugal ay may kasamang panganib ng pagkatalo at dapat mo itong tanggapin bilang bahagi ng laro. Wag umasa na palagi kang mananalo at gagamitin ang pagsusugal para mabawi ang mga nawalang pera. Ang paggawa ng budget sa pagsusugal ay mahalagang hakbang para mapanatili ang ligtas at masayang pagsusugal.
Iwasan ang mga Side Bets
Mahalaga na malaman na dapat iwasan ang mga side bets dahil ang house edge sa mga side bets ay kadalasang mas mataas kesa sa pangunahing taya. Sa karaniwang laro ng blackjack, ang house edge ay maaaring bumaba hanggang 0.5% kung ang manlalaro ay gumagamit ng mga tamang estratehiya. Samantalang sa mga side bets naman ay ang house edge ay maaaring umabot mula 5% hanggang 15% o higit pa. Ang mga side bets ay ginawa para maging mas mapangabib at may mas mababang pagkakataon na manalo. Ang mga side bets ay ginawa para magbigay ng malaking payout sa bihirang pagkakataon na manalo pero ito ay nangangahulugan na ang manlalaro ay mas madalas matalo.
Ang pagkakaroon ng side bets ay maaaring maka-impluwensiya sa desisyon ng manlalaro at magdulot ng maling estratehiya sa paglalaro ng blackjack. Ang mga side bets ay pwedeng magdulot ng mas mabilis na pagkatalo ng pera dahil sa mas mataas na house edge at mas mababang pagkakataon na manalo. Ang patuloy na pagtaya sa mga side bets ay pwedeng mapabilis ng pagkawala ng bankroll ng manlalaro, imbis na mas matagal na paglalaro at mas malaking pagkakataon na manalo, ang pagtaya sa mga side bets ay pwedeng magdulot ng pagkatalo o pagkabigo. Ang pag-iwas sa side bets ay matalinong desisyon para mapanatili ang mas mababang house edge, mas mataas na pagkakataon na manalo at mas mahabang oras ng paglalaro,
Pumili ng Tamang Laro
Ang pagpili ng tamang laro sa blackjack ay mahalaga para mapabuti ang pagkakataon na manalo at maiwasan ang pagkatalo ng malaking pera. Ang ilang mga bersyon ng blackjack ay may iba’t-ibang patakaran, mahalaga nap ag-aralan mo ang mga ito bago magpasya kung anong bersyon ang lalaruin. Ang pagpili ng tamang laro ay dapat pasok sa iyonh kakayahan at karanasan sa blackjack. Ang pagpili ng tamang laro sa blackjack ay isang mahalagang desisyon na dapat mong gawin base sa iyong personal na sitwasyon at layunin. Sa pamamagitan ng pagpili ng tamang laro, pag-aralan ang mga patakaran ay mapapabuti mo ang pagkakataon na manalo at magkaroon ng magandang karanasan sa paglalaro ng blackjack.
Ang blackjack ay isang laro ng kasanayan at swerte, sa pagsunod sa mga tips at estratehiya na ito ay pwede mo mapataas ng pagkakataon na manalo, mahalagang tandaan na ang patuloy na pagsasanay sa laro ay ang susi sa pagkapanalo. Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Rich9, 747LIVE, Lodi Lotto at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay ang paggamit ng tamang diskarte batay sa iyong mga baraha at sa nakikitang baraha ng dealer. Ito ay kilala bilang “basic strategy” ng Blackjack.
Hindi inirerekomenda na kunin ang insurance bet, dahil sa pangkalahatan, ito ay isang masamang taya para sa manlalaro. Ang insurance bet ay isang side bet na ang dealer ay may Blackjack, at may mataas na house edge.